Linggo, Hunyo 21, 2009

PARAAN NI KRISTO!

ano ang tamang paraan ng ating pagsamba? tamang damit? tamang lugar? at kung ano-ano pa..ito ay ilan lamang sa mga tanong na ating maririnig sa mga mananampalataya, o mismo ang ating sariling katanungan, ngunit tandaan natin ang pinaka pundasyon ng ating kasagutan sa lahat ng tanong ay dapat manggaling sa banal na kasulatan, kung ano ang ginawa ng Panginoon at kung ano ang kanyang mga iniutos....ang pinaka ligtas na lugar ay ang salita ni Kristo na siyang mananatili hanggang wakas, kaya naman ano ba ang pinakatamang paraan??? ito ay ang paraan ni Kristo, si Kristo ang punong pastor, ebanghelista, guro, apostol at propeta, paano niya ginawa ang lahat ng ito???? makikita natin ito ay ginawa niya sa paraan ng pag lilingkod at hindi sa paraan ng sariling kapakinabangan, salaminin natin ang ating pagkatawag sa kung ano ang ehemplo na iniwan niya sa atin, madaling maunawaan, sapagkat ang Espiritu Santo ay laging nandyan upang gumabay sa atin.


ang mga katanungan na maaring lumabas ay masasagot dahil sa halimbawang ito, paano tayo nagiging pastor sa ating nasasakupan, o propeta man o alin man sa mga kaloob na ito.....

sinabi niya" ang sinomang nais maging dakila ay maging lingkod ng lahat" ito ay ang pinakamatayog na pamantayan ng katotohanan, ito pwedeng mabali, hindi pwedeng sansalain (absolute truth) siya ay hindi lamang katotohanan kundi ang tanging katotohanan!

mag lingkod tayo ayon sa paraan ni Kristo at sa paraan ng mga taong gumagaya kay Kristo, wika ni Pablo, gayahin nyo ako, katulag ng pag gaya ko kay Kristo!

Walang komento: